Eto yung cliche na banat tungkol sa optimism and pessimism, “it is either you see the glass half-full or half-empty.” yun ang tumama sa isipan ko kaninang umaga habang nakaharap sa salamin nang maaninagan ko ang bundat kong tiyan. ang daming rason kung bakit ito lumaki.

Una, malakas akong lumamon ng mami at kanin. Eto ay dulot ng labis na pagtitipid dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. masarap ang mami, sa unang tatlong araw. ngunit habang tumatagal nakakaumay din. kun hindi lang siya mura at nakakabusog, hindi ko talaga papatulan. malamang kung tumaas ang sahod ko, hindi na ako mag mamami kundi sa chef d’angelo na ako kakain araw-araw. minsan lang ako kumain dito, ang huli kong tsibog sa nasabing kainan ay nung nag-blow out ang paborito kong sis dahil gradweyt na siya. (salamat sis! sa uulitin!) mami, mami… sampung piso lang, limampisong kanin (sinangag pa!) busog ka na. rice shortage, pweh! may mami at sinangag, kaya kong mabuhay! hehe.

Pero kung iisipin mo hindi tayo makontento sa kung ano man meron tayo, “maybe it’s human nature to look for greener pastures.” And according to Sidharta Gautama, “it is the source of man’s unhappiness.” Tama nga naman, kun hindi ko ginusto na lumamon ng kilo-kilong kanin ay malamang, hindi ako namomroblema sa aking tiyan (at wala na sigurong rice smuggling at shortage).

Ang pangalawang rason ng aking pagiging bundat ay dahil sa kasabikan ko sa alak. Sabi nga ng kaibigan kong medtech, ang isang pale pilsen ay katumbas ng 6 cups of rice in terms of calories. Pucha! Isa pa itong solusyon sa rice shortage. Imbes na kumain ng kilong rice ay lumaklak na lang tayo! Hapi pa! For 25 pesos ay makukuha mo na ang calories ng 6 cups ng rice na ang minimum price ay 30 pesos. nakasave pa tayo ng 5 pesos.

Looking at the glass half-full, buti na lang ang tiyan ko ang malaki, hindi sa “kanya.” Kasi kung nangyari na sa kanya, rice shortage talaga… hindi na kaya ng pa-mami mami lang… haay…      

Advertisements