(isang pagsaludo sa isang tunay na kaibigan at kasangga. huwarang ama. Ted A., para sa iyo itong post na ito mabuhay ka kapatid!)

 Si Ted A., ay aking senyores sa aming samahan. Una kong na-meet siya nung nagpa-induction ako ng ako pa ang namumuno sa aming samahan. Gaya ng nasabi ko dati, ang tao (isa na ako dun) ay mahilig maghusga ayon sa kanilang “first impression.” Ngunit hindi mo naman ako talaga masisisi ng buo tungkol sa bias ko sa mga brods ko lalo na sa mga alumni at senyores namin. Isang common factor sa amin ay ang pagiging maangas.

Tunay namang maangas si Tito Ted, at kung una mo siyang titingnan ay maalala mo ang mga kontrbida sa mga pelikulang pilipino. (Picture this: makapal ang bigote niya at matipuno ang pangangatawan.) Pero kahit ganun siya (sabi niya “ruggedly handsome” daw tawag dun.), “down to earth siya at tropa ang dating.

Nung nalipat ako ng lawschool dahil sa mga away na kina sangkutan ko, lalo ko nakilala ng lubusan si tito ted. Nagre-review siya for the bar-exams dun sa nilipatan ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi ayaw na akong tanggapin ng mga lawschool kasi wala na akong kukuning ibang subjects kundi review na lang. Buti na lang, kakilala niya ang dean sa institusyon na iyon at na-reconsider ang aking pag pasok. Simula noon pag pumapasok ako, nakakasama ko siya mag-yosi at mag-discuss ng mga bagay-bagay tungkol sa batas.

 Ayos kasama si Tito Ted kasi parang magkasing edad lang kami at walang halong yabang pag siya ang nag sasalita. Kung kailngan mo nang payo tungkol sa buhay, mayroon siyang maibabahagi na kapupulutan talaga ng aral.

Wala kang masasabi sa stamina ng taong ito. Papasok ng maaga para maka-pagaral at pag-uwi ng bahay ay pinag luluto pa niya ang kanyang mga anak at asawa. (Peace Ted! Nabuking ba?)

Tito Ted, alam kong taas kamao kang lalakad sa mundong ito! Mabuhay ka Brod!

Advertisements