Sa mga mahilig sa bagong isport ng mixed martial art, siguro matunog ang pangalan ni george st. pierre. Idol ko itong taong ito dahil sa kakayahan niyang bumalik ng mas malakas pagkatapos tumanggap ng pagkatalo. Isa sa mga magandang karakter niya bilang kompetitor ay ang kanyang pagiging mapagkumbaba at mainam na pagtanggap sa kanyang pagkatalo.

Ang huli niyang talo ay nanggaling matt serra, isa rin na mixed martial art fighter. Napatumba si george ni matt sa pamamagitan ng sunod-sunod na suntok. Pagkatapos ng kanyang pagkatalo, sinabi niya sa isang interbyu na ang kanyang pagkatalo ay ang pinaka magandang nangyari sa kanyang buhay. Sa pamamagitan daw nito natutunan at napag-aralan mabuti ang kanyang mga pagkakamali.

Pagkatapos ng kanyang pagkatumba at pagkawala ng korona sa welterweight division ng UFC, ay bumalik siya upang manalo ng dalawang sunod. Una, kay Josh Koscheck, na maraming eksperto ang naniwala na malaki ang pag-asa na manalo si Koscheck dahil sa kanyang magandang record sa wrestling. Ngunit, pinabulaanan ni St. Pierre ang mga inakala ng mga nasabing eksperto. Na domina ni GSP si Koscheck sa kanyang mundo; ang mundo ng wrestling. Ang pangalawang panalo ni GSP ay laban kay Matt Hughes, ang pinaka matagumpay na kampeon ng welterweight division ng UFC. Sa labang ito, pinatunayan ni George sa pangalawang pagkakataon na siya ang may-ari ng trono ng welterweight. Siya itinanghal na interim welterweight champion.

Sa April 19, lalaban ulit si Idol laban kay Matt Serra. At dito magkakaalaman na. Siyempre, kay idol ako! Ikaw?

Advertisements