soft steel 1.0


This is a weird feeling, i like the girl, I’m 25 years old, had lots of experience in life and even near death experience, and I’m still scared to express my feelings for TC.

   Hindi ako natakot pag may kalokohan akong gagawin. Hindi ako natatakot na umuwi ng umaga ng lasing na lasing. Hindi ako natatakot. Pero bakit ngayon, parang feeling ko nauutal ako at di alam ang sasabihin pag nakikita ko siya. huli ko itong naramdaman nung highschool ako, yung tinatawag nilang butterfly sa stomach.

   Mukhang OK naman kami kasi ilang beses na kami lumabas at nagkulitan. Pero bakit ganun natiotiope pa din ako. Siguro takot lang ako sa rejection, na magbago ang sitwasyon naming dalawa.

   Pero eto ang mas nakakatakot, mukhang nasasanay na akong manahimik na lang sa aking nararamdaman. Naks. Ang corny, feeling ko hindi ako ito. But then again, ika nga ni Amanda Peet sa movie na “A lot like love”, it ain’t love ’til your ready to sound foolish…or something like that. I don’t know if this is love pero i think its a lot like it (hehe, borrowing the lines of ashton kutcher in the same movie).

   I’ve had relationships before, pero bakit ganun. I wooed a lot before, pero bakit ganun. Well, as saying goes, “even though you’ve gone through the fire it doesn’t mean that you won’t get burned.”

   I get to meet her only during the weekends, pero she’s in my mind everyday…where are you courage? Haaay, naghihintay sa pagkakataong hindi darating. Everytime we wait for the right moment, there will always come an incident that will reveal our thoughts destroying the perfect moment. Perfect does not exist in this world.

For a long long time, hindi ako naka pag post sa blog na ito. Maraming dahilan. Eto ang ilan:

1. Balik paaralan, nangungumahog ako ulit sa aking favorite past-time for the past six years (yes, six years na po ako nag-aaral ng batas at hindi pa gumagradweyt, yes, yes, yes, i know, overdue na ako), ang pagbabasa ng libro at mga kaso.

2. Nahihibang ako sa ganda ng aking kaklase na tatawagin natin sa pangalang TC… haaay, ganda talaga niya…

3. Nahihibang ulit kay TC…

4. TC ulit…

5. Oo na, oo na, ibang reason naman; pansamantalang na block ng IT ng kumpanya namin ang internet.

6. Bukod kay TC… a oo nga pala, medyo busy din sa trabaho at bahay.

7. Sa pakikipag away sa ibang frat. hehe.

8. TC… at iba pa…

   Anong point ng post na ito? Wala lang, gusto ko lang mabuhay sa mundo ng internet. At tsaka, natotorpe ako kay TC… yup, parang hayskul.

Lahat ng bagay may formula, may pattern. Ang masakit dito, pag lumihis ka sa nakasanayang pamamaraan ay malamang, may malaking posibilidad na hindi maganda ang resulta.

   Iyan ang ginawa ko ngayong semester na ito, nakipaglaro ako sa posibilidad at sumugal sa kapalaran. Ano kamo? Nagmatigas ako at hindi sumunod sa nakasanayang pamamaraan ng pag-aaral. Nag desisyon akong umasa sa stock knowledge, hindi magbasa ng libro, at hindi sundin ang nakasanayang study habits. Bakit kamo? May gusto akong testingin at malaman. Gusto kong malaman kung kaya pumasa sa mga subjects ko ng petiks mode. Ang naging resulta, medya-medya ang grade ko sa tatlong review subject, at kinapos ng tatlong puntos ang isa.

  Ngayon, malayong-malayo sa performance ko last semester na nag-highest ako sa mga subjects ko. Ewan ko ba kun ano pumasok sa utak ko. Siguro bad habit ko na talaga ang sumugal. tsk. talo kaya ako sa pustahan, pumusta ako kay juan manuel marquez. Muntikan na akong manalo ng malaking salapi dahil dun. Pero, tsk…like marquez, i was robbed by the judges. hehe.

   Mahirap talaga sumugal, malamang sa malamang hahabulin ka ng law of statistics. Like the law of supply and demand, it cannot be amended.

   Nabubuhay pa kaya tayo?? May freewill ba talaga o isa lang itong malaking kahibangan tulad ng demokrasya?? Kasi, sa napapansin ko, mayroon talagang “higher power” na kumokontrol at nagpepredetermine ng ating destiny…

“…may mga ugnayang naputol at naghihintay ng karugtong…”

Yan ang tema ng aking buhay. Bakit kamo? Napaisip ako dahil ang dami nang naputol sa aking buhay, inside and out. Simula nung pumanaw ang aking ina, parang na-detach ako sa mundong ginagalawan. Tila normal naman ata yun sa isang na-ulila, kasi simula nung pinanganak tayo ay sinanay na tayo na mahiwalay sa magulang nung pinutol ang umbilical cord natin. Ngunit, sadyang matigas ang ulo ng tao…. Ang ating ina ay nagpupumilit na ilapit muli tayo sa kanilang mga kanlungan. Ang common notion ay para tayo ay alagaan. Pero sa tingin ko, hindi lang yun ang dahilan… (pu tol)

        Life is a process of separation and union, and I believe it never ends. Tama ba? Come to think of it, kung naniniwala tayo sa concept ng afterlife, whether one may be catholic, muslim, etc… Mangyayari at mangyayari na maghihiwalay at magdudugtong, one way or the other, in this life or the next. Maybe, this thought will give me hope…