I like dates that add up to the last two digits of the year. I always have good vibes. Nothing to do, nothing to write about. (Unlike when a person is inlove, romantic and creative words seems to come a plenty.) 🙂

(In a serious tone, so that those who will read becomes bored.)

This blog is my attempt to rekindle the flame and passion for writing. Back in my college days, writing came easy. Topics were overflowing and even with a typewriter I would dabble my fingers just satisfy my urge to describe the world through words. (I guess that came from the lack of talent in art. I can’t even draw a decent stickman.) Right now, my mind seems to in a drought. Topics to write about are becoming scarce. Ever since I entered lawschool, my mind was always careful not to be creative. During my first year I was having trouble writing my answers. Not that I don’t know or understand the subject; it was just that the way I wrote and expressed myself on paper does not conform with the rigid and “boxed” style of presenting answers law professors would usually appreciate.

During my years in writing with The Flame, form was not that strict. Creativity was a plus factor. The more you can express yourself in an artistic manner, the better. I guess the environment has something to do with it. Working with two Palanca Awardees gives you the drive to improve in the way of the words.

Writing was my lifeblood back then. I had some rackets which involved what I love. Students who were so lazy to do term papers were eager enough to pay me just to avoid the burden of researching and putting thoughts into words. But it was partly poignant because i know i had to part with a work and not get credit for it. What makes it harder is that after the person got his grade he will just keep the work and let dust eat away a portion of my time and travail.

I always thought that part of me who once loved the symphony of clacking keyboard already died when i began my plea to the State for my admission to the Bar. I was wrong. It was just covered by the piles of Court cases read, volumes of opinions of prominent legal personalities, and numerous Articles and Sections of different statutes that occupy my mind.   

Rekindling the flame of writing is a daunting task but not impossible. I can always fall in love with anything that I once loved. It is a delectation and a danger at the same time.

(isang pagsaludo sa isang tunay na kaibigan at kasangga. huwarang ama. Ted A., para sa iyo itong post na ito mabuhay ka kapatid!)

 Si Ted A., ay aking senyores sa aming samahan. Una kong na-meet siya nung nagpa-induction ako ng ako pa ang namumuno sa aming samahan. Gaya ng nasabi ko dati, ang tao (isa na ako dun) ay mahilig maghusga ayon sa kanilang “first impression.” Ngunit hindi mo naman ako talaga masisisi ng buo tungkol sa bias ko sa mga brods ko lalo na sa mga alumni at senyores namin. Isang common factor sa amin ay ang pagiging maangas.

Tunay namang maangas si Tito Ted, at kung una mo siyang titingnan ay maalala mo ang mga kontrbida sa mga pelikulang pilipino. (Picture this: makapal ang bigote niya at matipuno ang pangangatawan.) Pero kahit ganun siya (sabi niya “ruggedly handsome” daw tawag dun.), “down to earth siya at tropa ang dating.

Nung nalipat ako ng lawschool dahil sa mga away na kina sangkutan ko, lalo ko nakilala ng lubusan si tito ted. Nagre-review siya for the bar-exams dun sa nilipatan ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi ayaw na akong tanggapin ng mga lawschool kasi wala na akong kukuning ibang subjects kundi review na lang. Buti na lang, kakilala niya ang dean sa institusyon na iyon at na-reconsider ang aking pag pasok. Simula noon pag pumapasok ako, nakakasama ko siya mag-yosi at mag-discuss ng mga bagay-bagay tungkol sa batas.

 Ayos kasama si Tito Ted kasi parang magkasing edad lang kami at walang halong yabang pag siya ang nag sasalita. Kung kailngan mo nang payo tungkol sa buhay, mayroon siyang maibabahagi na kapupulutan talaga ng aral.

Wala kang masasabi sa stamina ng taong ito. Papasok ng maaga para maka-pagaral at pag-uwi ng bahay ay pinag luluto pa niya ang kanyang mga anak at asawa. (Peace Ted! Nabuking ba?)

Tito Ted, alam kong taas kamao kang lalakad sa mundong ito! Mabuhay ka Brod!

Eto yung cliche na banat tungkol sa optimism and pessimism, “it is either you see the glass half-full or half-empty.” yun ang tumama sa isipan ko kaninang umaga habang nakaharap sa salamin nang maaninagan ko ang bundat kong tiyan. ang daming rason kung bakit ito lumaki.

Una, malakas akong lumamon ng mami at kanin. Eto ay dulot ng labis na pagtitipid dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. masarap ang mami, sa unang tatlong araw. ngunit habang tumatagal nakakaumay din. kun hindi lang siya mura at nakakabusog, hindi ko talaga papatulan. malamang kung tumaas ang sahod ko, hindi na ako mag mamami kundi sa chef d’angelo na ako kakain araw-araw. minsan lang ako kumain dito, ang huli kong tsibog sa nasabing kainan ay nung nag-blow out ang paborito kong sis dahil gradweyt na siya. (salamat sis! sa uulitin!) mami, mami… sampung piso lang, limampisong kanin (sinangag pa!) busog ka na. rice shortage, pweh! may mami at sinangag, kaya kong mabuhay! hehe.

Pero kung iisipin mo hindi tayo makontento sa kung ano man meron tayo, “maybe it’s human nature to look for greener pastures.” And according to Sidharta Gautama, “it is the source of man’s unhappiness.” Tama nga naman, kun hindi ko ginusto na lumamon ng kilo-kilong kanin ay malamang, hindi ako namomroblema sa aking tiyan (at wala na sigurong rice smuggling at shortage).

Ang pangalawang rason ng aking pagiging bundat ay dahil sa kasabikan ko sa alak. Sabi nga ng kaibigan kong medtech, ang isang pale pilsen ay katumbas ng 6 cups of rice in terms of calories. Pucha! Isa pa itong solusyon sa rice shortage. Imbes na kumain ng kilong rice ay lumaklak na lang tayo! Hapi pa! For 25 pesos ay makukuha mo na ang calories ng 6 cups ng rice na ang minimum price ay 30 pesos. nakasave pa tayo ng 5 pesos.

Looking at the glass half-full, buti na lang ang tiyan ko ang malaki, hindi sa “kanya.” Kasi kung nangyari na sa kanya, rice shortage talaga… hindi na kaya ng pa-mami mami lang… haay…      

kakatapos lang kasi ng finals namin, drained… kelangan nang magbalik loob sa pagsusulat. kelangan aralin ulit ang grammar at maging matiyaga sa pag-edit ng mga post ko para hindi alipustahin ng dakilang grammarian at mr.-know-it-all na itatago ko sa pangalang, mr. “loves.” Napaka-ipokrito ng pu******ng yun. hehe.

 pusanghilaw! badtrip pa kagabi dahil hinarang sa checkpoint yung taksing sinasakyan namin. ang kulit pa ng mga pulis, nagpapataas ng damit. ulol! plainview doctrine mga ungas! kayo magtaas para mag mukha kayong mga faggots mga pulis patola! gademit!

at yun kinapkapan nga ako, pero alam ng mga mokong na inadmissible kung ano mang hinayupak ang nakakubli sa aking bulsa. sa mga pulis na iyon! eto sa inyo! ..!.,  

Lahat ng bagay may formula, may pattern. Ang masakit dito, pag lumihis ka sa nakasanayang pamamaraan ay malamang, may malaking posibilidad na hindi maganda ang resulta.

   Iyan ang ginawa ko ngayong semester na ito, nakipaglaro ako sa posibilidad at sumugal sa kapalaran. Ano kamo? Nagmatigas ako at hindi sumunod sa nakasanayang pamamaraan ng pag-aaral. Nag desisyon akong umasa sa stock knowledge, hindi magbasa ng libro, at hindi sundin ang nakasanayang study habits. Bakit kamo? May gusto akong testingin at malaman. Gusto kong malaman kung kaya pumasa sa mga subjects ko ng petiks mode. Ang naging resulta, medya-medya ang grade ko sa tatlong review subject, at kinapos ng tatlong puntos ang isa.

  Ngayon, malayong-malayo sa performance ko last semester na nag-highest ako sa mga subjects ko. Ewan ko ba kun ano pumasok sa utak ko. Siguro bad habit ko na talaga ang sumugal. tsk. talo kaya ako sa pustahan, pumusta ako kay juan manuel marquez. Muntikan na akong manalo ng malaking salapi dahil dun. Pero, tsk…like marquez, i was robbed by the judges. hehe.

   Mahirap talaga sumugal, malamang sa malamang hahabulin ka ng law of statistics. Like the law of supply and demand, it cannot be amended.

   Nabubuhay pa kaya tayo?? May freewill ba talaga o isa lang itong malaking kahibangan tulad ng demokrasya?? Kasi, sa napapansin ko, mayroon talagang “higher power” na kumokontrol at nagpepredetermine ng ating destiny…

Heto ang naobserbahan ko kagabi. Marami ang nagpapanggap na tumutulong at nagkukunwaring naaalibadbaran sila sa sitwasyon ng ating bansa. Ngunit, karamihan ay nakikisakay lamang sa isyu at nakikita nila ito bilang pagkakataon na makalikom ng suporta sa taong bayan. Sa mga ganitong panahon, madali “magkaisa” ng opinyon ukol sa iskandalong bumabalot sa ating lipunan. Marami ang nagsasabi na sila ay taga pagtanggol ng “basic human rights” pero sila din ay mga taong bumabalikwas sa mga karapatan.

Hati ang mga aktibista, bakit? Dahil sabi sa akin ng aking kaibigan, noong dekada 80, may mga maling ginagawa ang “samahan” kaya bilang sagot, isang grupo ang nagnais na itama at tigilan ang kamalian, ngunit, may mga ayaw pumayag dito. Kaya ngayon hati sila.

Sino ang tunay? Alam na nila kung sino ang tunay sa kanila. Ang sigurado, ang isa ay nagpapanggap lamang. Nililito ang mamamayan para mahati. Ang isa pang sigurado, isa ay hawak ng administrasyon upang linlangin ang taong bayan.

Sa mga makakabasa nito, kung hindi kayo tinamaan, mag ingat na lang po tayo sa pagpili ng panig na kakampihan.

“Salus Populi est Suprema Lex!”