Eto yung cliche na banat tungkol sa optimism and pessimism, “it is either you see the glass half-full or half-empty.” yun ang tumama sa isipan ko kaninang umaga habang nakaharap sa salamin nang maaninagan ko ang bundat kong tiyan. ang daming rason kung bakit ito lumaki.

Una, malakas akong lumamon ng mami at kanin. Eto ay dulot ng labis na pagtitipid dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. masarap ang mami, sa unang tatlong araw. ngunit habang tumatagal nakakaumay din. kun hindi lang siya mura at nakakabusog, hindi ko talaga papatulan. malamang kung tumaas ang sahod ko, hindi na ako mag mamami kundi sa chef d’angelo na ako kakain araw-araw. minsan lang ako kumain dito, ang huli kong tsibog sa nasabing kainan ay nung nag-blow out ang paborito kong sis dahil gradweyt na siya. (salamat sis! sa uulitin!) mami, mami… sampung piso lang, limampisong kanin (sinangag pa!) busog ka na. rice shortage, pweh! may mami at sinangag, kaya kong mabuhay! hehe.

Pero kung iisipin mo hindi tayo makontento sa kung ano man meron tayo, “maybe it’s human nature to look for greener pastures.” And according to Sidharta Gautama, “it is the source of man’s unhappiness.” Tama nga naman, kun hindi ko ginusto na lumamon ng kilo-kilong kanin ay malamang, hindi ako namomroblema sa aking tiyan (at wala na sigurong rice smuggling at shortage).

Ang pangalawang rason ng aking pagiging bundat ay dahil sa kasabikan ko sa alak. Sabi nga ng kaibigan kong medtech, ang isang pale pilsen ay katumbas ng 6 cups of rice in terms of calories. Pucha! Isa pa itong solusyon sa rice shortage. Imbes na kumain ng kilong rice ay lumaklak na lang tayo! Hapi pa! For 25 pesos ay makukuha mo na ang calories ng 6 cups ng rice na ang minimum price ay 30 pesos. nakasave pa tayo ng 5 pesos.

Looking at the glass half-full, buti na lang ang tiyan ko ang malaki, hindi sa “kanya.” Kasi kung nangyari na sa kanya, rice shortage talaga… hindi na kaya ng pa-mami mami lang… haay…      

kakatapos lang kasi ng finals namin, drained… kelangan nang magbalik loob sa pagsusulat. kelangan aralin ulit ang grammar at maging matiyaga sa pag-edit ng mga post ko para hindi alipustahin ng dakilang grammarian at mr.-know-it-all na itatago ko sa pangalang, mr. “loves.” Napaka-ipokrito ng pu******ng yun. hehe.

 pusanghilaw! badtrip pa kagabi dahil hinarang sa checkpoint yung taksing sinasakyan namin. ang kulit pa ng mga pulis, nagpapataas ng damit. ulol! plainview doctrine mga ungas! kayo magtaas para mag mukha kayong mga faggots mga pulis patola! gademit!

at yun kinapkapan nga ako, pero alam ng mga mokong na inadmissible kung ano mang hinayupak ang nakakubli sa aking bulsa. sa mga pulis na iyon! eto sa inyo! ..!.,  

Lahat ng bagay may formula, may pattern. Ang masakit dito, pag lumihis ka sa nakasanayang pamamaraan ay malamang, may malaking posibilidad na hindi maganda ang resulta.

   Iyan ang ginawa ko ngayong semester na ito, nakipaglaro ako sa posibilidad at sumugal sa kapalaran. Ano kamo? Nagmatigas ako at hindi sumunod sa nakasanayang pamamaraan ng pag-aaral. Nag desisyon akong umasa sa stock knowledge, hindi magbasa ng libro, at hindi sundin ang nakasanayang study habits. Bakit kamo? May gusto akong testingin at malaman. Gusto kong malaman kung kaya pumasa sa mga subjects ko ng petiks mode. Ang naging resulta, medya-medya ang grade ko sa tatlong review subject, at kinapos ng tatlong puntos ang isa.

  Ngayon, malayong-malayo sa performance ko last semester na nag-highest ako sa mga subjects ko. Ewan ko ba kun ano pumasok sa utak ko. Siguro bad habit ko na talaga ang sumugal. tsk. talo kaya ako sa pustahan, pumusta ako kay juan manuel marquez. Muntikan na akong manalo ng malaking salapi dahil dun. Pero, tsk…like marquez, i was robbed by the judges. hehe.

   Mahirap talaga sumugal, malamang sa malamang hahabulin ka ng law of statistics. Like the law of supply and demand, it cannot be amended.

   Nabubuhay pa kaya tayo?? May freewill ba talaga o isa lang itong malaking kahibangan tulad ng demokrasya?? Kasi, sa napapansin ko, mayroon talagang “higher power” na kumokontrol at nagpepredetermine ng ating destiny…

Heto ang naobserbahan ko kagabi. Marami ang nagpapanggap na tumutulong at nagkukunwaring naaalibadbaran sila sa sitwasyon ng ating bansa. Ngunit, karamihan ay nakikisakay lamang sa isyu at nakikita nila ito bilang pagkakataon na makalikom ng suporta sa taong bayan. Sa mga ganitong panahon, madali “magkaisa” ng opinyon ukol sa iskandalong bumabalot sa ating lipunan. Marami ang nagsasabi na sila ay taga pagtanggol ng “basic human rights” pero sila din ay mga taong bumabalikwas sa mga karapatan.

Hati ang mga aktibista, bakit? Dahil sabi sa akin ng aking kaibigan, noong dekada 80, may mga maling ginagawa ang “samahan” kaya bilang sagot, isang grupo ang nagnais na itama at tigilan ang kamalian, ngunit, may mga ayaw pumayag dito. Kaya ngayon hati sila.

Sino ang tunay? Alam na nila kung sino ang tunay sa kanila. Ang sigurado, ang isa ay nagpapanggap lamang. Nililito ang mamamayan para mahati. Ang isa pang sigurado, isa ay hawak ng administrasyon upang linlangin ang taong bayan.

Sa mga makakabasa nito, kung hindi kayo tinamaan, mag ingat na lang po tayo sa pagpili ng panig na kakampihan.

“Salus Populi est Suprema Lex!”

Papunta ulit ako sa opisina, alas sais ng umaga, si “ate” maganda, sexy, bihis na bihis(naka-skirt), at mabango, fresh na fresh ika nga. Pumara sa sakayan, gustong bumaba. Ako naman–nakatayo, puyat dahil sa magdamagang pagbabasa para sa klase mamayang hapon–ay nakaharang sa daanan dahil masikip at wala nang upuan dahil dagsa na ang mga tao na papunta sa kani-kanilang trabaho.

Biglang sabi nung kundoktor, “boss, puede po ba kayong tumabi para makaraan si miss.”

Napakusot ako ng mata at biglang  napatingin sa paligid. Ang alam ko kasi, walang “unloading” sa lugar na iyon, o baka ako ang mali at namalikmata lang ako at babaan na kailangan ko na din lumakad papuntang estribo. Pero, tama pala ako, hindi pa iyon ang tamang babaan dahil pagkaraan ni “ate” may mga sumakay.

Napatingin ako sa paligid, wala pa ang mga bantay, nag-aalmusal pa siguro. Mamaya pa magagalit ang kundoktor at sisigaw ng matalim na, “wala pong babaan dito, ‘wag ho kayong makulit, sa kabila ang babaan, matuto po tayong sumunod sa batas.” (translation: kung gusto ninyong bumaba ay bigyan ninyo kami ng P700 na padulas sa naka-yellow na nagbabantay.) Nak’nang! parang totoo noh?

Mali siguro yung mga traffic sign, siguro kelangan dagdagan ang mga nakasulat dito dapat siguro, “No unloading, except when there are no traffic policemen around.” Kaya naman gawin yan e, tanggalin lang yun mga salitang; “project of mayor, congressman, first gentleman, and the list goes on…”

Tsk, mali pala si lola, kailangan maaga siya at tiyempuhan niyang walang mga nagbabantay.

Sabagay, ganun din naman talaga dito sa Pilipinas, may panahon na may batas, may panahong on-leave din ang mga ito. Kung tutuusin may “constitutional basis” naman ang ganitong kaugalian natin. Tulad ng the “President can appoint whodasever she wants, even without the proper qualification when the Congress is not in session.” Malalaman mong may session sa Congress kapag nakikita natin ang ating mga kongresista na lumalaklak ng overpriced mineral water at nagsisiyesta sa Congressional hall o kaya nagpapatawag sila ng kung sinu-sino para makipagtsimisan “in pursuance of the inherent oversight function of Congress to see to it that the laws they enact are properly implemented.” Another nak’nang! Mabalik tayo sa ‘main topic,’ tila may panahon nga talaga ang pagpapatupad ng batas dito sa Pilipinas. Siguro hindi lang batas, kundi pagpapatupad at pagawa ng tama.

Ngayon, nanakawan na naman ang kaban ng bayan, ngunit hindi ko nararamdaman ang “urge” ng taong bayan na ipaglaban at ipaalam ang ating kanilang hinaing. ‘Di tulad nung EDSA I, na naging matagumpay dahil hitik sa panahon, at tsaka nung EDSA Dos, na nagliyab dahil sa umaalingasaw na katotohanan. Ang suma, kailangan talaga ng isang matinding dagok na gigising para maipatuipad ang tama, para maipatupad ang magandang hangarin ng batas.

Kung ganun ang ugali natin, tama si Rizal nun di siya sumang ayon sa himagsikan. Tama ang kanyang obserbasyon sa ating kaugalian.

Ngunit ang tanong, “kailan nga ba ang tamang panahon?” 

     

Kaninang umaga, pag baba ko sa bus na sinakyan ko papuntang “work” ay nakita ko ang isang uugod-ugod na matanda na gustong sumakay sa bus pero hindi pinayagan ng konduktor dahil bawal sumakay doon. naawa ako sa matandang babae dahil madami siyang dala at mukhang pagod na pagod na.

si lola, matanda, maraming dala, tanghaling tapat. hindi makasakay dahil mahuhuli ang bus na sasakyan niya.

Napaisip ako… pag gumagawa ako ng kalokohan nakokonsensiya ako. bakit ngayon, alam ko na sumusunod ang kundoktor sa batas nakokonsensiya pa din ako. parang gusto ko na kausapin yung kundoktor kasi nagmamakaawa na si lola na pasakayin siya. Malayo pa ang sakayan.

 Tama ba ang batas?

Sa limang taon kong pag aaral ng batas, may kasabihan na dura lex, sed lex or the law may be harsh, but it is still the law. Hindi ko pa din maintindihan. Na-late ako ng pagpasok sa trabaho dahil nanood ako ng “congressional hearing in aid of legislation” tungkol sa ZTE deal na nakasalang si Lozada inquiry ng mga mambabatas. Isa sa mga isyu na kinaiinisan ko ay ang hindi mo puede ipatawag ang pangulo ng Pilipinas dahil sa kanyang immunity at dahil sa “doctrine of separation of powers.” Pucha, ang sarap maging makapangyarihan sa Pilipinas, hindi ka puede galawin basta basta. Dura lex, sed lex. Kung si “little girl” kaya ang sumakay ng bus papasakayin kaya siya?

Balik tayo kay lola. Si lola ay walang magawa kundi habulin sa tingin ang bus na dapat niyang sasakyan. Ako naman walang nagawa, nag paka-“selfish” ako at hindi na lamang pinansin o tulungan man lang si lola dahil late na ako at makakaltasan ng sweldo. Tama ba na wala akong ginawa?

Naturingan akong nag aaral ng batas, at ang kadalasang importanteng tandaan sa pag-aaral ng batas ay ang application of the exemptions. Hindi ba exemption yung sitwasyon ni lola? Mababaw kasi ang pag-intindi natin sa batas dahil dito nawawala ang magandang intensyon ng batas. Sana nakalagay sa mga karatula sa makati “unloading only, except for the elderly, physically challenged, etc.” Di ba mas maganda yun? Walang taong mahihirapan, lahat saklaw at protektado ng batas. Mas maganda din siguro etong pinopropose kong amendment sa konstitusyon: “Immunity of the executive applies in proceedings pursuant to this Constitution, except when he/she robs the country of millions of dollars, or when he/she participates or authorizes his spouse to mock the country by telling other people to back-off.” May provided further pa sana pero it will go on and on. Sana i-invite din ako ng Congress sa hearing to aid them in legislation. 

Ngayon, nasa opisina na ako at sinusulat ang kalokohang ito. Puro salita. Walang nagawa. Hindi ko natulungan si lola, wala ako magawa kay Gloria. Tulad ng madalas na ginagawa nating mga pinoy, i-dadaan na lang ba natin sa dasal, o kailangan na natin gumalaw bago tayo ma-stroke?

Sana ako na lang ang na-stroke kaysa kay lola…

Marahil halos lahat tayo ay guilty sa masamang gawain na ito, ang pag husga sa isang tao dahil sa kanyang pagkakamali. At marahil, kadalasan din ng naalala natin sa tao ay ang kanyang pagkukulang, minsan, hinihintay pa natin na siya ay sumablay sa kanyang mga galaw. How cruel. Minsan na akong naniwala sa mga paghuhusga ng mga tao, ang resulta? Pu tol na ug na yan… (na naghihintay ng karugtong.)

          What a wicked way and play… ang isa sa mga humahadlang sa aking ginagawang pagdugtong ay ang paghatol sa akin ng ibang mga tao dahil sa aking nagawang pagkakamali. Well, i guess i have to take the consequence.

           Masyado ba general ang mga terms na gamit ko? Cliche? Oh, well, tamaan na ang tamaan…

Sabi nga ng mga sunog baga at adik sa amin, may mga kanya-kanyang specialty ang mga alak. Ang “pale, palelakehin ang tiyan mo.” Ang Red Horse, sisipain ka, kasama na diyan ang katungali nya na colt .45  na tila parang baril kung bumanat. May “Happy Horse” pa nga na pag nasipa ka, tila mapapangiti ka pa. Andyan ang San Mig Light, mahaba-habang inuman, kaya aabutan ka na ng light ng araw… Syempre, andyan din ang classic na “Emperaning.” Ang Generoso, unti-unting uubusin ang laman ng bulsa mo; mapapansin mo na lang na ubos na sweldo/allowance mo. Pero, ang pinaka-malupit, ang Gran Matraydor, matamis, masarap. Ngunit, tulad ng isang matador, bawat “shot” ay parang punyal na tumutuhog sa laman at dahil sa sobrang talas, di mo mararamdaman. Hanggang… may work of art ka na ni Amorsolo. (blackout). Ikaw, tinamaan ka na ba?

nagmula ang salitang ito “baka,” which implies uncertainty. Also, nagmula din ito sa salitang “bakal” na nakakabit sa aking kanang kamay. The word “kalog” also comes into play, kasi minsan makulit ako… kaya maraming tahi, sugat, bungi, at basag ang katawan ko. Combining all these is a study of myself… an introspection.

“…may mga ugnayang naputol at naghihintay ng karugtong…”

Yan ang tema ng aking buhay. Bakit kamo? Napaisip ako dahil ang dami nang naputol sa aking buhay, inside and out. Simula nung pumanaw ang aking ina, parang na-detach ako sa mundong ginagalawan. Tila normal naman ata yun sa isang na-ulila, kasi simula nung pinanganak tayo ay sinanay na tayo na mahiwalay sa magulang nung pinutol ang umbilical cord natin. Ngunit, sadyang matigas ang ulo ng tao…. Ang ating ina ay nagpupumilit na ilapit muli tayo sa kanilang mga kanlungan. Ang common notion ay para tayo ay alagaan. Pero sa tingin ko, hindi lang yun ang dahilan… (pu tol)

        Life is a process of separation and union, and I believe it never ends. Tama ba? Come to think of it, kung naniniwala tayo sa concept ng afterlife, whether one may be catholic, muslim, etc… Mangyayari at mangyayari na maghihiwalay at magdudugtong, one way or the other, in this life or the next. Maybe, this thought will give me hope…    

         

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula